Some parts of the plant can be used as a medicine Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng: Dahon . An...
Some parts of the plant can be used as a medicine
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Ayon sa mga pag-aaral at nakagawian ng ilan, ang ilan sa mga sakit na maaaring malunasan sa pamamagitan ng paggamit sa halamang ampalaya ay ang sumusunod:
1. Pananakit sa katawan. Ang pag-inom sa katas ng dahon ampalaya ay sinasabing may epektong analgesic o nakapagpapawala ng pananakit sa katawan.
2. Pamamaga o pamamanas. May kakayahan din daw ang katas ng dahon ng ampalaya na alisin ang pamamanas o pamamaga sa katawan.
3. Diabetes. Ang katas mula sa dahon at bunga ng ampalaya ay may malaking tulong daw sa pagsasaayos ng lebel ng asukal sa katawan lalo na sa mga may sakit na diabetes. Ang bunga rin ay tumutulong sa pagpapalakas ng produksyon ng insulin sa pancreas o lapay.
4. Ulcer. Nakatutulong din daw sa mas mabilis na pagpapagaling ng ulcer sa sikmura ang pag-inom ng katas ng dahon ng ampalaya.
5. Sobrang timbang. Sinasabing ang katas mula sa bunga ng ampalaya ay makatutulong daw sa pagbabawas ng sobrang timbang at bilbil sa katawan.
6. Dengue. Ang katas ng dahon ng ampalaya ay maaaring makapagpabuti sa pakiramdam ng taong may sakit na dengue.
7. Impeksyon ng fungi. May ilang pag-aaral ang nagsasabing may epekto ang pag-inom at pagpahid ng katas ng ampalaya sa bahagi ng katawan na apektado ng impeksyon ng fungi.
8. Pagtatae o disinterya. Ang pinaglagaan ng dahon ng ampalaya ay karaniwang ginagamit bilang gamot sa pagtatae o disinterya.
9. Pagtatagihawat. Ang pinaglagaan ng ugat ng ampalaya o kaya ay pinaglagaan ng dahon ng ampalaya ay makatutulong daw sa pagbabawas ng tagihawat sa katawan.
10. Impeksyon ng bulate. Ang katas ng mismong prutas ay makatutulong upang tanggalin ang mga bulateng naninirahan sa sikmura.:
COMMENTS