Benefits of Garlic to the Human body?

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito? Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng ...

1593684647019.png

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:



  • Ang bunang ugat (bulb) ng bawang ang pangunahing bahagi ng halamang ito na ginagamit bilang gamot at sangkap sa mgaraming lutuin. Maaari itong gamitin o kainin nang hilaw. Maaari ring dikdikin, tadtarin, upang mas makuha ang katas. Maaari rin itong ilaga at inumin nang parang tsaa ang pinaglagaan.

    • Dahon. Ginagamit din ang dahon ng bawang upang ipanggamot sa ilang mga karamdaman. Madalas itong pinakukuluan kasama ng bungang ugat ng bawang.


    Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Bawang?
    1. Altapresyon. Kilalang mahusay na paggamot sa sakit na altapresyon ang bawang. Kadalasan, pinapanguya o sinisipsip ang hilaw na bawang upang mapabagsak ang mataas na presyon ng dugo. Ang pag-inom ng pinaglagaan ng bawang ay mahusay din sa pagpapababa ng presyon ng dugo.

    2. Ubo. Mabisa ding gamot ang pagnguya ng hilaw na bawang sa pagpapaluwag ng paghinga at pagpapalambot ng makapit na plema sa tuwing inuubo. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng dahon at bungang ugat ng bawang upang mas mapabuti ang pakiramdam.

    3. Rayuma. Ang pagpapahid ng dinikdik na bawag sa bahagi ng katawan na dumadanas ng pananakit dulot ng rayuma ay pinaniniwalaang mabisang nakakaalis ng pananakit.

    4. Tonsilitis. Ang katas ng dinikdik na bawang ay mabisang panglunas sa pamamaga ng tonsils na siyang nagdudulot ng hirap sa paglunok.

    5. Pananakit ng ulo. Pinangpapahid sa sentido ng ulo ang dinikdik na bawang upang mabawasan ang nararamdamang sakit.

    6. Hika. Ang katas ng dinikdik na sariwang bawang ay epektibong gamot para pahupain ang mga sintomas na nararanasan dahil sa hika.

    7. Sugat. Mahusay ding panglinis sa sugat ang katas ng sariwang bawang. Dapat lamang ipahid ito sa paligid ng sugat upang hindi maimpeksyon.

    8. Kagat ng insekto. Ang pagpapahid ng dinikdik na bawang sa kagat ng insekto ay mabisa ring gamot upang mawala ang pangangati o hapdi sa bahaging apektado.

    9. Kanser. May mga pag-aaral na nagsasabing may epekto raw sa pagpapababa ng posibilidad ng pagkalat ng colon at prostate cancer ang tuloy-tuloy na pagkain ng bawang sa loob ng ilang linggo.

    10. Impeksyon ng mikrobyo sa tiyan. Mahusay din na panglinis sa daluyan ng pagkain gaya ng tiyan at bituka ang pag-inom sa katas ng bawang.

    COMMENTS

    Name

    Entertainment,4,Globe Promos,2,Globe Rewards,1,Globe Telecom,1,Lifestyle,2,Others,2,Tech News,1,Telecom Promos,3,
    ltr
    item
    PinoyTechWorld | Philippines Tech News and Entertainment Blog: Benefits of Garlic to the Human body?
    Benefits of Garlic to the Human body?
    https://cdn.phc.onl/data/attachment-files/2020/07/2080255_1593684647019.png
    PinoyTechWorld | Philippines Tech News and Entertainment Blog
    https://pinoytechworld.blogspot.com/2020/07/benefits-of-garlic-to-human-body.html
    https://pinoytechworld.blogspot.com/
    https://pinoytechworld.blogspot.com/
    https://pinoytechworld.blogspot.com/2020/07/benefits-of-garlic-to-human-body.html
    true
    352782639372232855
    UTF-8
    Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content